Skip to main content

SANA NGAYONG PASKO

Napaka-random lang ng blog na ito. At ewan ko rin kung bakit ako nandito, ano ang naisip ko kung bakit nagta-type nalang ng kusa tong mga daliri ko. HEHE

Pero ayun nga, malapit na ang PASKO, uso nanaman ang mga christmas lights/trees, caroling, family reunion at kung anu-ano pa. Sobrang saya, sa totoo lang ito ang pinakahihintay kong araw bukod sa kaarawan ko. Hindi lang dahil sa malamig na hangin, parties o mga regalong matatanggap kundi dahil sa pagkakaisa nating mga tao.

Sobrang dami kong wishes ngayong papalapit na PASKO. Lalo na't kapag na-kompleto mo daw ang simbang gabi matutupad ang kahit ano pang i-wish mo. NANINIWALA AKO JAN, dahil sa sobrang dami ng wish ko kay Jesus binigay nya.....may sobra pa.. :)


Pero ngayon lang ako hihiling ng hindi naman para sa AKIN LANG. 
Dahil habang tumatanda ako napagtatanto ko ang tunay na kahalagan ng Pasko. At habang papalapit ito ng papalapit, mas lalo kong tinatanong sa sarili ko "Sino ba ako?" "Ano ba ang purpose ko sa mundong ito?" realtalk guys. Yang bagay na yan iniiyakan ko. Ilang gabi ako umiiyak, ilang araw kong iniisip ito. Ilang beses ko ginugulo ang Diyos na ibigay niya na linawin nya lahat sa akin. 


Sana ngayong pasko, lahat magmahalan. Let the married couples who've lost love bring back the spark they used to have. Ang pamilyang hindi nagkakaintindihan, umiral sana ang pagpapakumbaba ng bawat isa. Pati narin sa lahat ng nasirang friendships.

Sana ngayong pasko, lahat may makain. Hindi lang ngayong pasko, kung pwedeng forever nalang. Dahil napakahirap mag-celebrate kapag alam mong may nagugutom na ibang tao.

Sana ngayong pasko, ma-realize lahat na hindi pa huli ang lahat. I mean, it doesn't matter if you're 23 or 78 hangga't nabubuhay ka pa you can do whatever you want. Hindi man mangyari the way you want it to happen but atleast try. I don't know if you will get my point. Pero Sumasakit lang talaga ang dibdib ko dahil may mga taong hindi satisfied sa buhay nila, na sana kung ito ang daan na pinili ko noon, hindi ganito ang buhay ko. Na sana iniwan ko siya, at pinakasalan ko ang taong mahal ko. 
h-o-p-e
Seriously, I learn a lot from ANY PEOPLE around me. Isa akong student nurse, biruin mo sa dami ng patients ko imposibleng walang magkwento ng life nila sakin. Dami ko ng stories na naririnig and I am so thankful that I learn from them. (one reason I love my job). Talagang bibigyan ka ng realization at aral sa buhay.

Sana ngayong pasko, mas mahalin nating mga anak ang parents natin, kung pasko lang ang paraan para hindi talikuran ang isang ina o amang walang ibang ginawa kundi kumayod mairaos lang tayo. Matuto tayong magpatawad, kung sakali mang nagkamali si tatay o si nanay, sana wag itanim ang galit na iyon sa puso at isip. Kahit anong mangyari, they are our parents. We must love them the way God loves us kahit nasaktan ka. Give until it hurts. :)

Sana ngayong pasko, mag-heal na ang mga sugat sa kahit anumang parte ng katawan lalung-lalo na sa puso. That everyone will be free from illness... free from worries.

Sana ngayong pasko, maging payapa at masaya ang mundo. No more wars, no more killings. Dahil sobrang sakit mawalan ng miyembro ng pamilya o ninumang malapit sa iyo.


Itong mga nagdaang araw, wala akong ibang inisip kung paano ako makakapagpasaya ng kahit isang tao man lang na nangangailan ng tulong. Pero kahit anumang paraan gusto mong tulungan ang isang tao basta busilak ang iyong puso at kalooban tiyak na magiging masaya ang Panginoon sa atin.

Spread love and happiness! :)

I need to go to bed now 'cuz I lack sleep. :D Thank you sa pag-basa ng mga drama ko sa buhay!!!

 GIVE LOVE ON CHRISTMAS DAY...EVERYDAY!! 



Lots of love,
jenny


















Comments

Popular posts from this blog

CONFIDENCE

As I was scrolling down my newsfeed at facebook, I saw a post about Miss Universe 2016 candidates being asked about confidence. Unfortunately, I was not able to click that content nor come back to hear their answers. “What is confidently beautiful for you?” While I was washing my face. The question came up to my mind. I asked myself, what exactly is “confidently beautiful” for me? I’m thinking about it until now. This is my answer. Confidence is very difficult to achieve, but it is a CHOICE. Confidence is being able to uplift others while uplifting yourself. It is being able to stand up in front of the crowd and think how grateful and amazing you are. On the other hand, you can stay up late at night ALONE and not comparing yourself to others. To what they have, and what you don’t. Confidence is not just about showing off your bare-face, slim body, flawless skin. It is mostly about appreciating the beauty of a person inside no matter how they are and how you look out...

Happy Birthday, Love.

19 REASONS WHY I LOVE YOU 1. You are my bestfriend. photo almost 3 years ago gaya ng karamihan nagsimula tayo bilang magkaibigan, then 'bestfriends.'Nagsimula tayo mag usap noong tinanong ko kung "singkol ka ba?" HAHA! Naghuhugas tayo ng pinagkainan with ate Lzel, Camille and ??? Ewan ko na. Tapos ayun naging close naman na ganon lang kadali. Haha! Hindi ko alam kung kailan mo nalaman, pero you knew that I was in pain. Kase almost lahat ng members ng ministry natin alam lahat. Then those times you were there to comfort me. Yung mga panahong hindi ko kayang ngumiti nandoon ka kase ULLONG KA! HAHA You were my bestfriend 'til you left the ministry for some personal reasons. Haha. Ako naman, nasuspend for a month, then balik-alis ako after ng suspension. Hanggang sa tuluyan na din ako hindi nakakapunta sa PYM.  But you came back... after 2 long years. Then I also came back after almost a year of not being able to serve in our church pero nagsisimba pa...

MAY IBANG KATEXT PRANK (GONE WRONG!)